Rhon: Ang ating OG kaBREWkada!

Posted by GO BREW on

Sa mga hindi nakakaalam, kay Rhon nagsimula ang GoBrew. Kaya when we say OG.. Siya talaga ang da original. :P Rhon remains a very close friend to GoBrew, kaya we invited him talk about what's keeping him busy nowadays.

Hi Rhon! Kumusta ka na? 
Ayos naman! Ngarag sa work pero bawat araw survivor naman! Haha!

Ano pinagkakaabalahan mo ngayon? Any exciting projects in the horizon?
Aside from the baby on the way, sana makalipat na rin sa mas magandang work. Kumbaga papunta pa lang ako sa exciting part! 

As an entrepreneur, you are your own boss! How do you balance your projects as well as your personal life? How do you keep yourself motivated?
Mas tutok na ko sa employment pero may business pa rin on the side. Medyo lay low muna given na super busy with work and buntis si misis pero tuluy-tuloy pa rin naman. Singit lang ng personal projects pag break time since wfh pa rin naman kami. (Check out @naturayogaph and @imaginationfactoryph!)

Nakita rin namin na mahilig ka sa fitness and dancing with your wife, Jess! What does a usual day look like for you?
Sa sobrang busy wala pang time sumayaw ulit! Nakakamiss pero sana sa mga susunod na linggo makabalik sa sayaw at workout na rin.

Typical day for me yung brew ng Kitanglad pagkagising, kain ng breakfast, upo sa harap ng laptop, lunch, hugas ng pinggan after lunch, upo ulit sa harap ng laptop, ligo sa gabi, dinner, hugas ng pinggan, nood ng Netflix, tulog.

May go-to coffee ka ba?
Aba siyempre GO BREW kape! Favorite ko yung Mt Kitanglad and Mt Matutum  

BONUS: Kumusta na si Diego at Bunny? 
Okay naman sila! Kakakapon lang nila so medyo groggy pa at disoriented. Di pa siguro nagsink in sa kanila ang nawala sa kanila  

Subaybayan ang susunod na kabanata! Kitakits sa susunod na KaBREWkada Series!

Send us a message or comment below! We love to get feedback from you. Stay safe, coffee cheers!

 

All photos courtesy of Rhon delos Santos


Share this post



← Older Post Newer Post →


Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published.